


ALAMIN | Sa katatapos lang na Skills Development ng Southpost PH na dinaluhan ng kinatawan mula sa Public Affairs and Information Office (PAIO) na pinamagatang POCKET PRESS: CITIZEN AND MOBILE JOURNALISM ESSENTIALS na ginanap sa Laguna Provincial Capitol Extension sa Calamba City, Laguna noong Martes, Disyembre 16, 2025, narito ang ilan sa mga mahahalagang kataga na dapat tandaan na makakatulong sa atin hinggil sa pagiging isang responsableng mamamayan sa pagpapakalat ng mga balita o kaganapan sa ating lungsod o bansa.
• DISINFORMATION
Ito ay INTENTIONAL o sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon.
• MISINFORMATION
Ito ay pamamahagi ng maling impormasyon dahil sa kakulangan sa kaalaman (sa paksa o pangyayari) ng isang indibidwal.
• MALINFORMATION
Ito ay impormasyong batay sa katotohanan ngunit minanipula upang makapaminsala ng ibang tao o organisasyon.
Maging mapanuri at maging responsable sa pagbabahagi ng mga impormasyon upang hindi magdulot ng kalituhan at panganib sa kapwa. Tumutok lamang sa mga lehitimo at mapagkakatiwalaang sources.
‘Think Before You Click!’



