Ramadan Mubarak

Kasabay ng pagpasok ng Lenten Season para sa mga Katolikong mananampalataya, ngayong araw, Pebrero 18, 2026, ay nagsisimula rin ang banal na buwan ng Ramadan para sa ating mga kapatid na Muslim, na magtatagal hanggang Marso 20, 2026.

Ang Ramadan ay isang sagradong panahon ng pag-aayuno, pananalangin, pagsisisi, at kawanggawa, kung saan ang mga Muslim ay nag-aayuno mula bukang-liwayway hanggang paglubog ng araw bilang pagpapakita ng disiplina, pananampalataya, at pakikiisa sa mga nangangailangan. Ito rin ay panahon ng mas malalim na pagninilay, pagpapatawad, at pagpapatibay ng ugnayan sa Diyos at sa kapwa.

#Ramadan2026
#UnaSaLaguna

Scroll to Top