Ash Wednesday

Ngayong araw, ika-18 ng Pebrero, ay ipinagdiriwang ang Miyerkules de Abo o Ash Wednesday, isang mahalagang araw para sa mga Katolikong mananampalataya sapagkat ito ang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kwaresma. Ang Kwaresma ay tumatagal ng apatnapung (40) araw—panahong inilalaan sa taimtim na pananalangin, pagsasakripisyo, pag-aayuno, at taimtim na pagsisisi bilang paghahanda sa paggunita sa paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.

Sa araw na ito, ang pagpapahid ng abo sa noo ay nagsisilbing paalala ng ating pagiging mortal at panawagan sa taos-pusong pagbabalik-loob at pagpapanibago ng pananampalataya.

Narito pa ang ilang mahahalagang araw sa Semana Santa.

• March 29 – Palm Sunday/Linggo ng Palaspas

• April 2 – Maundy Thursday/Huwebes Santo/Huling Hapunan

• April 3 – Good Friday/Biyernes Santo

• April 4 – Black Saturday/Sabado de Gloria

• April 5 – Easter Sunday/Linggo ng Pagkabuhay

Maging makabuluhan nawa ang ating paggunita sa Mahal na Araw.

#Kwaresma2026

#UnaSaLaguna

Scroll to Top